BOKASYON
Sa Lahat ng May Tawag sa Buhay Relihiyoso
Kayo po ay inaanyayahan sa makipagnilay ay makipanalangin sa akin. Hayaan niyong samahan ko kayo sa inyong hangaring malaman ang tunay na tawag ninyo sa buhay sa ito: kung ito ba ay sa pagpapamilya, sa pagpapari o pagiging relihiyoso o walang asawa (single blessed).
Ang salitang bokasyon ay galing sa salitang Latin na "vocare," panawagan sa tagalog. Kung may panawagan may inaasahang pagtugon. Lahat tayo ay tumugon sa anumang uri ng buhay mayroon tayo. Ang karamihan ay tumugon sa buhay pag-aasawa. Ang pagkakaroon ng pamilya ay larawan ng Diyos na nagmamahal sa atin. Ang pamilyang pinaghaharian ng pag-ibig ay tunay na kalooban ng Diyos. Ito ay tawag din tungo sa kabanalang ninanais ng Diyos sa bawat may asawa, pagkalinga at pangagalaga sa kapakanan ng bawat isa.
Ang buhay pagpapari at pagiging relihiyoso ay buhay na paghahandog sa Diyos at sa Kanyang bayan. Ang sinuman tumugon sa panawagang ito ay inaasahang ibigay niya ang kanyang sarili ng buo, sa buhay na masunurin, aba at di pag-aasawa. Ang yaong uri ng pamumuhay ay larawan ng inaasahang buhay sa kaharian ng Diyos, kung saan doon ay tunay na pagsunod sa kalooban ng Diyos, kalayaan sa mga materyal na bagay at pag-iibigan ng bawat isa.
Ang pagbibigay ng buhay para sa isang natatanging responsibilidad ay isang tawag ng kabanalan. Ang hangaring ilaan na lamang ang sarili sa paglilingkod sa mga nangangailangan sa halip na pagpapamilya o buhay pagpapari, pagmamadre at pagiging relihiyoso ay tunay na larawan ni Kristong naglingkod at nag-alay ng Kanyang buhay para sa lahat.
Ikaw? Ano ang iyong tawag sa buhay na ito?
MAKINIG sa tawag ng Diyos
ALAMIN kung ano ito.
MAGNILAY sa tawag ng Diyos
MAGLAKBAY kasama niyo ako
AT MANALANGIN
kay Kristo, para kay Kristo!
Others
Ang Pamilya ng mga Salvatorians ay binubuo ng mga Fathers, Brothers, Sisters and mga Layko. Sa mga nagnanais mapabilang sa misyong ipakilala si Kristo na Siyang Tanging Tagapagligtas mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng mga Salvatorians dito sa Pilippinas.
Sa mga nagnanais na maging Salvatorian Father o Brother inaasahan na ang bawat papasok ay nakapaglikom na ng mga sumusunod na mga papeles o dokumento:
1. Baptismal at Birth Certificate (with certification if photocopied)
2. Confirmation Certificate
3. Recommendation Letter from your Parish Priest
4. Medical Certificate
5. Application Letter
7. Grades from previous school or TOR if College Graduate
8. Hand Written Autobiography
Ang mga address: Fathers and Brothers
FR. OTTO NOVITIATE HOUSE 11 N. Reyes St. Xavierville Subd., Phase II Loyola Heights, Quezon City, 1108 Tel. no. (02) 426-10-20
FR. JORDAN FORMATION HOUSE 189A, Purok 3, Talon, Amadeo 4119 Cavite Tel. no. (046) 483-07-34
MATER SALVATORIS THEOLOGATE HOUSE 11th St. Brgy. Mariana New Manila, Q.C.