PANALANGIN

PAANYAYA About What's New Davao City Vocation Campaign 2009 Tagum City and Mati Vocation Campaign 2009 Photo Guest Book Tacloban City Visit 2009 Malaybalay City, Bukidnon Catalog Blog

PANALANGIN PARA SA BOKASYON

Here I could tell visitors about new additions to my site so they'll be sure to see my most recent pictures and information.

ni: Papa Juan Pablo II  
Ika-42 Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon

 

  

Jesus, Anak ng Diyos,
sa Iyo nananahan anf kaganapan ng pagka-Diyos,Inaanyayahan mo ang lahat ng mga binyagan
na "pumalaot" at tahakin ang landas patungo sa kabanalan.
Pukawin mo sa puso ng mga kabataan
ang pagnanais na maging mga saksi
sa kapangyarihan ng Iyong pag-ibig
sa aming mundo ngayon.
Puspusin mo sila ng iyong Espiritu ng katatagan at
mabuting pagpapasya
upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan
tungkol sa kanilang sarili at tawag sa buhay.

Aming Tagapagligtas,
sinugo ka ng Ama upang ipahayag ang kanyang maawaing pag-ibig,
biyayaan mo ang iyong Simbahan ng mga kabataan
na handang "pumalaot" at maging tanda sa iba
ng iyong presenyang nakapagpapanibago at nakapagliligtas.

Mahal na Birhen, Inang aming Manunubos,
tiyak na gabay sa landas patungo sa Diyos at kapwa,
Ikaw na nagnilay sa Kanyang salita sa kaibuturan ng iyong puso,
patatagin mo sa pamamagitan ng iyong matiyagang panalangin at pagkalinga
an gaming mga pamilya at mga pamayanang Kristiyano
upang matulungan nila ang mga kabataan
sa pagtugon nang lubos sa tawag ng Panginoon.

Amen.

 

 

Manalangin at Magnilay Para sa Paglago ng mga Banal na Bokasyon

Panginoong HesuCristo, sinabi mo, anong sagana ng aanihin, ngunit iilan lamang ang manggagapas.  Hilingin mo sa may-ari ng bukid na magpadala Siya ng marami pang manggagapas.  Tumatawag kami sa iyo ngayon Panginoon, gisingin mo sa puso ng aming mga kabataan ang masidhing pagnanasang maihandog sa Iyo at sa kapwa tao ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-papari, pag-mamadre, o pagiging relehyoso.  Panginoon, mangyari nawa ang kalooban Mo.